^

Metro

Baka raw gamitin sa pagpuga, paghuhukay malapit sa Bilibid, todo-bantay

Lordeth Bonilla, Doris Franche-Brja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mariing nilinaw kahapon ng pamunuan ng New Bilibid Prison (NBP) na ang mga hinuhukay na drainage system sa bisinidad ng maximum security  compound ay hindi  magagamit ng mga bilanggo para sa posibleng tangkang pagtakas ng mga ito.

Ang naging pahayag ng NBP ay dahil sa mga haka-haka na ang hinuhukay na drainage sa mga kalye malapit sa compound ng maximum security ay posibleng magamit ng mga preso sa pagtakas.

Ito ay dahil na rin sa nakita umanong tunnel ng ilang mga construction worker ng Maynila na nagsasagawa nang paghuhukay sa lugar. Dahil dito, pinaiimbestigahan na ito ng DOJ Bureau  of Correction (BuCor) Director Franklin Bucayu.

Sinabi naman ni NBP officer-in-charge Superintendent Roberto­ Rabo, ang drainage system na hinuhukay ay impo­sibleng magamit ng magtatangkang tumakas na preso kahit pa hindi pa ito dinadaluyan ng tubig.

Sinabi nito habang nagsasagawa nang paghuhukay ang mga tauhan ng Maynilad ay regular aniya nila  itong ini-inspection at mahigpit itong binabantayan ng mga prison guard ng NBP.

“May sistema tayong nilagay diyan na hindi pwedeng daanan ito ng tao, tubig lang,” sabi pa ni Rabo.

Nabatid, na ang hinuhukay na mga daan ay likuran ito ng gusali ng Maximum security compound, na malapit umano sa selda  ng mga pulis at sundalong inmates.

 

DAHIL

DIRECTOR FRANKLIN BUCAYU

NEW BILIBID PRISON

RABO

SINABI

SUPERINTENDENT ROBERTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with