SB ng Magallanes bukas na para sa lahat – MMDA
MANILA, Philippines – Asahang gagaan na ang daloy ng trapiko sa South Super Highway kasunod nang pagbubukas ng southbound ng Magallanes Interchange mamayang gabi, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sinabi ni MMDA traffic engineering center head Neomie Recio na lahat ng klase ng sasakyan ay maaari nang dumaan sa naturang kalsada simula alas-8 ng gabi.
”Once it will open later, it may ease the traffic and also smoothen the flow of vehicles,” wika ni Recio.
Isinara ng 10-araw ang southbound lane ng Magallanes Flyover na daanan mula sa mga manggagaling ng Maynila pa-Alabang, Muntinlupa dahil sa rehabilitasyon.
Nauna nang sinabi ni Department of Public Works and Highways- National Capital Region Director Reynaldo Tagudando na noong 1980's pa huling isinaayos ang naturang kalsada.
- Latest