^

Metro

Biktima ng salvage, natagpuan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na namang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang na­tagpuang tadtad ng saksak sa katawan sa isang bangketa sa lungsod Quezon kahapon ng umaga. Ayon kay SPO1 Cris Zaldarriaga, imbestigador, wala silang nakuhang pagkakakilanlan sa biktima maliban sa pagsasalarawan sa taas nitong 5’3, nasa pagitan ng edad na 35-40, may mga tattoo na “Elmer Maris, Mon Gutierez, Tabang Cori, at iba pa sa kaliwang braso, at nakasuot ng itim at stripe na T-shirt, at pants. Sabi ni Zaldarriaga, ang biktima ay nadiskubre sa may kahabaan ng A. Bonifacio St., corner Ipo St., Brgy. N.S. Amoranto, ganap na alas-4 ng madaling araw.

Ang biktima ay nagtamo ng isang punctured wound sa kaliwang dibdib at kanang balikat. May nakita ding marka sa kanyang leeg na indikasyon na pinatay ito sa sakal. Patuloy ang imbestigasyon ng oto­ridad sa nasabing insi­dente. 

AMORANTO

AYON

BONIFACIO ST.

BRGY

CRIS ZALDARRIAGA

ELMER MARIS

IPO ST.

MON GUTIEREZ

TABANG CORI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with