^

Metro

Mag-asawa, todas, 2 anak, sugatan sa aksidente

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang mag-asawa ang namatay habang sugatan naman ang kanilang dalawang teenager na anak matapos na bumangga ang kanilang sinasakyang owner-type jeep sa isang konkretong pader sa Mandaluyong City kahapon ng umaga.

Dead on arrival sa Victor Potenciano Medical Center sina Rocambuy Rebong, 55, at asawa nitong si Lilibeth, 51, kapwa residente ng No. 2G Thomas St., Meralco Village, Binangonan, Rizal. Nagtamo ang mga ito ng matinding pinsala sa ulo at katawan na nagresulta sa agarang pagkamatay ng mga ito.

Samantala, ginagamot sa nasabing ospital ang dalawang anak ng mag-asawa na sina Loraine, 18, at Lance, 16.

Batay sa inisyal na ulat ni SPO1 Reymund Fajardo, imbestigador ng Mandaluyong City Police Traffic Division, dakong alas-9:25 ng umaga nang maganap ang aksidente sa Shaw Boulevard, tapat ng Lee Tower sa Bgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Bumibiyahe umano ang mag-anak sakay ng kanilang owner-type jeep na may plakang DNZ-247 at minama­neho ng padre de pamilya, nang bigla na lang umano itong mawalan ng kontrol sa manibela.

Sumal­pok ang jeep sa isang Mitsubishi Adventure FX taxi na may plakang UWN-199 at minamaneho ni Elpidio Quilang, bago tulu­yang sumalpok sa konkretong pader ng Lee Tower.

Inaalam na ngayon ng pulisya ang ulat na may sakit si Rocambuy at inatake habang nagmamaneho na nagresulta­ sa aksidente.

vuukle comment

ADDITION HILLS

ELPIDIO QUILANG

LEE TOWER

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY POLICE TRAFFIC DIVISION

MERALCO VILLAGE

MITSUBISHI ADVENTURE

REYMUND FAJARDO

ROCAMBUY REBONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with