^

Metro

Misis nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang misis ang nasawi makaraang magbigti sa  loob ng kanilang bahay sa Brgy. Baesa, Quezon City kahapon ng umaga.

Sinikap pang i-revive si  Jocelyn Cardenas, 36, may-asawa   ng kanyang biyenang lalaki matapos na matagpuang nakabitin sa kisame, subalit nabigo na rin itong mabuhay, ayon kay PO2 Rhic Pittong, may-hawak ng kaso.

Ayon kay Pittong, ang biktima ay nadiskubre ganap na alas- 5:30 ng umaga sa loob ng kanyang bahay sa Sitio Pajo, Brgy. Baesa.  Sabi ni Arturo Cardenas, biyenan ng biktima, napadaan umano siya sa kuwarto ng manugang nang makita niya itong nakabitin sa kisame, gamit ang nylon cord.

Dahil dito, agad na humingi ng tulong ang matanda sa kanilang kapitbahay para kalasin ang biktima sa pagkakatali, saka sinikap nilang i-revive.

Sa puntong ito, nagpasya ang matandang Cardenas na i-report ang insidente sa barangay  para sa kaukulang desposisyon.
Inaalam pa ng awtoridad kung ano ang motibo ng biktima sa ginawa nitong pagpapakamatay.

vuukle comment

ARTURO CARDENAS

AYON

BAESA

BRGY

CARDENAS

DAHIL

JOCELYN CARDENAS

QUEZON CITY

RHIC PITTONG

SITIO PAJO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with