^

Metro

Ex-con itinumba

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang  ex- convict ang  pinagbabaril  hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang suspek habang abala sa paglalaro ng computer games, kahapon ng  madaling araw sa Tondo, Maynila. Dead-on-the spot ang biktimang  si Ronald Bautista, 44, miyembro ng ‘Batang City Jail’  at naninirahan sa  Kagi­tingan Tondo, Maynila habang nakatakas naman ang  hindi pa nakikilalang suspek.

Sa report ni PO2 Michael Marragun, ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente dakong alas-12:55 ng madaling-araw habang naglalaro ng  Piso Net sa nabanggit na lugar. Hindi namalayan ng  biktima ang paglapit ng  suspek sa kanyang likuran at pinaputukan ang una  ng  tatlong beses.

Ayon sa  misis ng biktima na si Zenaida, lumabas umano sa kulungan ang nasawi noong 2010 sa kasong robbery.

Inaalam naman ng  pulisya  ang  motibo sa pagpaslang. 

vuukle comment

AYON

BATANG CITY JAIL

INAALAM

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

MICHAEL MARRAGUN

PISO NET

RONALD BAUTISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with