^

Metro

Rider kritikal sa tandem na holdaper

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kon­disyon ng isang motorcycle rider makaraang bundulin, barilin ng riding-in-tandem  na tumangay sa kawi-withdraw nitong salapi at kanyang motorsiklo, kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Agad namang na­isugod sa Valenzuela General Hospital at nabigyan ng lunas sa tinamong tama ng bala sa likod ng biktimang si Jay Guiran, 38, mensahero.

Sa ulat ng Valenzuela Police, katatapos pa lamang mag-withdraw ni Guiran sa banko ng halagang P130,000 na pambayad sa telepono ng kanilang opisina.  Paglabas ng bangko, inilagay ng biktima ng pera sa compartment ng motorsiklo.

Binabagtas ng biktima ang kahabaan ng P. Santiago Street, sa Brgy. Paso de Blas nang bundulin siya ng isang motorsiklo. Huminto ang biktima upang sitahin ang nakabundol sa kanya nang barilin siya sa likod ng mga salarin.

Dahil sa nasa loob ng compartment ang target na pera, tinangay na rin ng mga salarin ang motorsiklo ng biktima sa kanilang pagtakas.  Agad namang rumes­ponde ang pulisya at na­isugod ang biktima sa pagamutan.

Hinala ng pulisya, ma­aaring may kasabwat ang mga salarin dahil sa alam nito na may dalang malaking halaga ang biktima at nailagay nito sa compartment ng motor­siklo. 

BIKTIMA

BINABAGTAS

BRGY

DAHIL

JAY GUIRAN

SANTIAGO STREET

VALENZUELA CITY

VALENZUELA GENERAL HOSPITAL

VALENZUELA POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with