^

Metro

20 may dayang timbangan, nasamsam

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa 20 timbangan na umano’y may daya ang nakumpiska ng mga tauhan ng Pasay City Hall mula sa Pasay City Public Market, kahapon.

Ang hakbang ay ginawa  ng pamunuan ng Pasay City Hall Office  ay matapos silang makatanggap ng maraming reklamo mula sa mga mamimili.

 Alas-9:00 ng umaga nang magsagawa ng inspeksyon ang pamahalaan lungsod ng Pasay sa pangunguna ni Market Operation Officer Dennis Aguas sa nasabing pamilihan na kung saan nadiskubre nilang ang ilan sa mga tindera ng isda ay may daya ang timbangan.

Ayon kay Aguas, base sa City ordinance No. 4090 Series of 2008 ng Pasay City Market Code bibigyan pa nila nang pagkakataong makapagtinda ang mga violator.

Ngunit  sa pangalawang pagkakataon kapag sila ay muling nahuli ay pagmumultahin na ang mga ito ng P500 hanggang  P1,000 at sa pangatlong paglabag  ay kakanselahin na ang kanilang kontrata ng kanilang puwesto at hindi na sila ma­  aaring  magtinda kasabay pa nang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanila.

AYON

MARKET OPERATION OFFICER DENNIS AGUAS

NGUNIT

PASAY

PASAY CITY HALL

PASAY CITY HALL OFFICE

PASAY CITY MARKET CODE

PASAY CITY PUBLIC MARKET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with