^

Metro

6 sasakyan karambola sa C5-Ortigas; 3 sugatan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mabigat na daloy ng trapiko ang bumungad sa Biyernes ng umaga ng mga motorista sa Origas Avenue extension sa lungsod ng Pasig matapos ang banggaan ng dalawang trak at apat na iba pang sasakyan.

Tatlo ang sugatan sa insidente, kabilang ang driver at pahinante ng dump truck at driver ng 10-wheeler trak.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority bandang ala-5 ng umaga naganap ang insidente matapos kumaliwa sa no left turn ang 10-wheeler truck na galling ng northbound ng C5.

Sa pagliko nito ay nakabangga nito ang dump truck na may dalang buhangin.

Nadamay pa sa karambola ang dalawang taxi at dalawang motorsiklo.

Dahil sa banggaan, hindi nadaanan ang eastbound lane ng Ortigas Avenue extension na patungong Cainta.

Bandang alas-7 ng umaga nang matanggal ang mga nagbanggaang sasakyan sa kalsada.

AYON

BANDANG

BIYERNES

CAINTA

DAHIL

MABIGAT

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NADAMAY

ORIGAS AVENUE

ORTIGAS AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with