^

Metro

Coed na Koreana nanlaban sa snatcher, suspek timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang kawatan makaraang manlaban ang isang Koreana na  estudyante ng  College of St. Benilde-De La Salle na kanyang inagawan ng cellphone, kamakalawa ng gabi sa Taft Ave. Manila.

Nakakulong ngayon sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang suspect na si  Francisco Antonio, 34, ng Malate,Maynila matapos ireklamo  ng biktimang si  Youn Su Kum, 18 , ng  Malate,Maynila.

Ayon kay P/Chief Insp. Arsenio Riparip, hepe ng MPD-GAIS, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi habang nakatayo ang biktima sa harap ng DLSU gate at hawak ang kanyang cellphone na Samsung S4 nang bigla itong hablutin ng suspek.

Nanlaban umano ang biktima na nakatawag ng atensiyon sa mga guwardiya na siyang humabol sa suspek  hanggang sa naaresto. Katwiran  naman ng suspek, manganganak ang kanyang asawa at caesarian kaya’t kailangan niya ang  panggastos sa hospital.

Itinurn-over ng mga Security guard na sina  William Bautista at Rodrigo Golfo ang suspek sa MPD-Police Station 9 na siyang nagdala  sa MPD-GAIS.

ARSENIO RIPARIP

CHIEF INSP

COLLEGE OF ST. BENILDE-DE LA SALLE

FRANCISCO ANTONIO

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT AND INVESTIGATION SECTION

MAYNILA

POLICE STATION

RODRIGO GOLFO

TAFT AVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with