^

Metro

Magkakasubukan kami ng LTFRB – Isko

Doris Franche-Borja, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Magsusubukan kami ng LTFRB sa Manila and we challenge them. Not Manila, sorry to say.”

Ito ang binigyan diin ni Manila  Vice  Mayor Isko Moreno bilang tugon sa  bagong memorandum circular ng  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nagtatakda na maaaring bumiyahe ang mga out-of-line o kolorum na bus hanggang Oktubre.

Sa ilalim nito, hindi rin huhulihin ang mga trak na may berdeng plaka hanggang Agosto 29 upang bigyan ang mga ito ng sapat na panahong makakuha ng parangkisa.

Paliwanag ni Moreno, masyado nang masikip ang daloy ng trapiko sa lungsod at walang puwang doon na tumakbo ang mga pampublikong sasakyan na walang prangkisa.

Ayon kay Moreno, hindi muna nila ipatutupad ang mga patakarang ito sa Maynila.”Saan ka nakakita pwedeng tumakbo ang trak at bus nang walang prangkisa? Saang klase ng mundo tayo? Nasa Mars ba tayo?” ani Moreno.

Kahapon ng umaga  ng  sitahin  ni Moreno ang ilang mga kolorum na sasakyan sa kanto ng España Boulevard at Morayta. Kabilang din sa mga hinuli ang mga hindi sumusunod sa batas trapiko.

Samantala, nanawagan ang pamunuan ng  LTFRB sa mga kumokontra sa mga regulasyon ng ahensiya  para huwag nang magsisihan  bagkus ay makipagtulungan na lamang sa ahensiya para maibsan ang lumalalang daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Ang pahayag ay ginawa ni LTFRB Chairman Winston Ginez bilang reaksiyon sa mga paninisi sa ahensiya  ng mga local chief executives ng Metro Manila at ng MMDA dahil ito umano  ang ugat ng masikip na daloy ng trapiko sa Kalakhang Maynila.

Partikular na isinisi ng mga nabanggit sa LTFRB ang ipinalabas nitong  memorandum na nagsasabing hindi ma­aaring hulihin ang mga truck na may puti pang plaka dahilan sa  dinidinig pa ng LTFRB ang kanilang aplikasyon para magkaroon ng franchise.

Ang “no apprehension policy” ng LTFRB para sa laha­t ng  trucks-for-hire  freight services ay mapapaso sa August­ 29  na nagsimula noong July 29.

Sa loob ng mga araw na ito ay binibigyan ng pagkakataon ang mga truck owner na makapag aplay ng prangkisa sa ahensiya  para maisalegal ang operasyon ng kanilang mga sasakyan.

Ikinatwiran ni  Ginez  sa na­ipalabas na memorandum na dapat suportahan ng pamahalaan ang truck industry dahil ang mga ito ang nagdadala ng mga pagkain at ng ibat ibang kalakal papasok at palabas ng ating bansa.

CHAIRMAN WINSTON GINEZ

KALAKHANG MAYNILA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LTFRB

METRO MANILA

MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with