^

Metro

Mag-asawa inutas ng manugang

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay  ang  mag-asawa, habang nasa kritikal naman na kondisyon ang kanilang anak makaraang pagbabarilin ng kanilang manugang na live-in partner ng huli sa  Sta. Ana, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Sergio Aguilar, 47,  habang sa pagamutan ay binawian ng buhay ang  misis nitong si Ma. Lourdes Aguilar, kapwa residente ng Unit 104 Tenement Building, Sta. Ana, Manila.

Inoobserbahan pa sa Philippine General Hospital ang sugatang si Maridref Tolentino, 26, call center agent, anak ni Ma. Lourdes sa unang asawa.

Samantala, ang suspect naman na nakilalang si  Arvi Villa, 33, negosyante at residente ng Remarville Subdivision, Bagbag, Novaliches, Quezon City ay sugatan din matapos na magbaril sa sentido matapos ang ginawang pamamaril.

Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang madugong insidente sa Unit 104 ng nasabing Tenement building.

Inireport lamang ng mga kapitbahay sa pulisya ang mga narinig na putukan na naganap sa nasabing bahay.

Una umanong narinig ang dalawang magkasunod na putok at ilang segundo lamang ang lumipas ay muling narinig ang tatlo pang magkakasunod na putok ng baril.

Sa imbestigasyon, nabatid na si Maridref  ay live-in partner ng suspek sa loob ng 6 na taon at nang mag-away umano noong nakalipas na linggo ay umuwi sa kaniyang ina na si Ma. Lourdes.

Si Ma. Lourdes naman ay nakatira sa bahay na pinangyarihan ng insidente kung saan kasama ang ika­lawang asawa na si Aguilar, stepfather ni Tolentino.

Kamakalawa ng gabi nang magtungo ang suspek sa bahay ng mga biyenan at pilit na kinukumbinsi ang live-in partner na muli silang magsama subalit sa harap ng kaniyang magulang ay tinanggihan nito ang alok ng suspect.

Papaalis na umano ang suspek  nang magkunwaring makikigamit muna ng comfort room at nang lumabas ito ay nakita ni Maridref na may hawak ng baril  kaya nagtatakbo ito at isinigaw sa kaniyang stepfather na may baril ang suspek.

Hinabol ng suspek si Maridref na  tinamaan sa likod at kaliwang bahagi ng puwet at isinunod namang barilin ang mag-asawa.

Posibleng inakala umano ng suspek na na­patay niya ang live-in partner kaya nagbaril ito sa sentido na hindi napuruhan.

Dinatnan pang  tulala at nilalaro umano ng suspek ang dugong tumutulo mula sa kaniyang ulo at agad itong dinala sa pagamutan.

Patay na si Sergio nang abutan ng mga pulis habang si Ma. Lourdes naman ay itinakbo sa Sta. Ana Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

ANA HOSPITAL

ARVI VILLA

LOURDES AGUILAR

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARIDREF

MARIDREF TOLENTINO

MARLON SAN PEDRO

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with