^

Metro

Hotel employee, nagsaksak sa sarili

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 35-anyos na emple­yado ng kilalang hotel sa Pasay City ang pinaniniwala­ang nagpakamatay sa pama­magitan ng pagsaksak sa sarili, dahil sa nararanasang sakit na colon cancer sa loob ng kaniyang inookupahang silid, sa Ermita, Maynila, kamakalawa  ng hapon.

Naisugod pa  sa Manila Doctor’s Hospital subalit idineklara ring dead on arrival dakong ala 1:35 ng hapon ang biktimang si Franz Xavier Bustillo , empleyado ng Solaire Hotel at   nanirahan sa Pacific Pallacide Condominium na matatagpuan sa Maria Orosa St., Ermita, Manila.

Narekober sa kaniyang tabi ang isang balisong na may habang 6’ na pulgada.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Christian Caparas ng Manila Police District-Homicide Section, inihatid pa ng ka­ibigang si Harry Ong  ang biktima sa lobby ng condominium at pumasok na ito sa kanyang silid sa Room 908. Nagawa pa umano nitong makipag-text sa kaniyang kapatid na si Erish Marie Claire Bustillo simula alas-10:43 hanggang alas-11:04 ng umaga kung saan  nasabi ng biktima sa pamamagitan ng text na sobrang sakit ng tiyan at likod niya.

Hindi pa nagtatagal nang balikan ang biktima ng kaibigang si Ong at doon ay nadiskubre na  walang malay, duguan ito na may apat na saksak sa dibdib at hiwa sa kaliwang pulso kaya agad na humingi ng saklolo sa condomium staff para isugod sa pagamutan.

Aminado naman ang kapatid na si  Erish na hindi na dapat pagdudahan pa kung may foul play dahil noong nakalipas na Hulyo 19 lamang umano nagtapat ang biktima na dumaranas ito ng matinding sakit na stage 4 colon cancer at gusto na nitong wakasan ang buhay sa pamamagitan ng mercy killing.

 

CHRISTIAN CAPARAS

ERISH MARIE CLAIRE BUSTILLO

ERMITA

FRANZ XAVIER BUSTILLO

HARRY ONG

MANILA DOCTOR

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARIA OROSA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with