Dahil sa SONA Ilang paaralan sa QC, suspendido sa Lunes
MANILA, Philippines - Kanselado ang pasok ng mga mag-aaral sa public elementary at high school na malapit sa Batasan complex sa lungsod Quezon bunga ng isasagawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino sa Lunes, Hulyo 28.
Sa isang memorandum ni Ponciano Menguito, Quezon City School Division Superintendent, 20 elementary at 11 secondary schools na malapit sa Batasan ang suspendido ang klase sa naturang araw.
Ang mga walang pasok sa elementary ay ang Commonwealth Elementary School, President Corazon Aquino Elementary School, Doña Juana Elementary School, Holy Spirit Elementary School, Lagro Elementary School, North Fairview Elementary School, Bagong Silangan Elementary School, Culiat Elementary School, New Era Elementary School, Melencio Castelo Elementary School, Payatas B Elementary School,Payatas C Elementary School, Payatas B Annex Elementary School, Lupang Pangako Elementary School, San Diego Elementary School, Fairview Elementary School, Benigno Aquino Elementary School, Manuel L. Quezon Elementary School, West Fairview Elementary School, Old Balara Elementary School at Malaya Elementary School.
Sa high school naman ay ang Commonwealth High School, Batasan Hills High School, Judge Feliciano Belmonte High School, Holy Spirit National High School, Lagro High School, North Fairview High School, Bagong Silangan High School, Culiat High School, New Era High School, Justice Cecilia Muñoz Palma High School at Balara High School.
Handa na rin ang QC Police sa gagawing pagbabantay sa paligid ng Batasan complex para sa kaayusan at katahimikan sa nabanggit na lugar sa panahon ng Sona ng Chief Executive.
- Latest