^

Metro

Pulis-karnap,1 pa utas sa shootout

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang pulis at isang ka­sama nito na sangkot sa umano’y carnapping operations ang nasawi makaraang makipagpalitan ng putok  sa mga awtoridad habang isinagawa ang isang entrapment operation sa lungsod Quezon kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, nakilala ang nasawing pulis sa pamamagitan ng nakuhang identification card dito na si PO1 Jay Rowan Poquiz, ng Tondo Manila at dating nakatalaga sa Headquarters Support Group sa Camp Crame na natanggal sa serbisyo dahil sa kasong absent without leave (AWOL).

Habang ang isang ka­samahan nito ay isinalarawan sa pagitan ng edad na 30-35, may taas na 5’2’’, payat, nakasuot ng kulay pulang t-shirt, at camouflage na shortpants, may tattoo na Mikko sa dibdib, Jay-AR sa kanyang kaliwang braso, Pastor Bal sa kanyang kanang braso at Paul Henry Jutay sa kanyang likod.

Ayon kay PO2 Jaime de Jesus, may-hawak ng kaso, ang mga suspek ay naka-engkwentro ng pinagsanib na tropa ng Anti-carnapping Unit ng QCPD sa pamumuno ni  Senior Insp. Rolando Lorenzo, Police station 5, PNP Task Force Tugis at PNP Intelligence Group na nagsagawa ng entrapment operation laban sa una bunga­ ng umano’y carnapping incident na nagaganap sa lungsod.

Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Quirino Highway malapit sa Sacred­ Heart Novitiate, Brgy. Greater Lagro, ala-1:30 ng ma­daling-araw.

Ayon sa ulat, bago ito, isang confidential police asset ang nagkunwaring bibili ng nakaw na motorsiklo sa mga suspek kung saan nagkasundo na magkita sa nasabing lugar.

Diumano, pagdating sa lugar ng mga suspek, sakay ng isang kulay green na Yamaha Mio motorcycle (1892-OS) para sa naturang transaksyon, nakatunog ang mga ito sa presensya ng mga awtoridad, dahilan para humarurot sila patakas.

Dahil dito, nagkaroon ng habulan, at pagsapit sa naturang lugar, pinaputukan ng isa sa mga suspek ang mga pulis, sanhi para mauwi ito sa engkwentro. Makalipas ang ilang minutong putukan, nakita na lamang walang buhay na nakabulagta ang mga suspek.

Sa pagsisiyasat, narekober sa lugar ang isang kalibre .9mm na may lamang apat na bala; at isang kalibre 45 na may lamang tatlong bala, 11 basyo ng kalibre 9mm at dalawang tingga nito.

Sinabi ni Lorenzo,  nag-umpisa umano ang ope­rasyon ng grupo ni Poquiz noong 2012 sa Manila at nang lumaki ang kanilang grupo ay saka nagsimulang mag-operate sa buong NCR hanggang sa kalapit na pro­binsya­ .

 

AYON

CAMP CRAME

GREATER LAGRO

HEADQUARTERS SUPPORT GROUP

HEART NOVITIATE

INTELLIGENCE GROUP

ISANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with