Ginang lasog sa trak
MANILA, Philippines - Isang ginang ang nasawi makaraang maatrasan ng isang trak sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Nakilala ang nasawi na si Maria Luz Bayatan, 43, ng Doneza St., Brgy. Canumay West ng nabanggit lungsod.
Sa ulat ng Valenzuela Police, minamaneho ng suspek na si Joey Coz, 45, ang Isuzu Elf truck (REJ-773) dakong ala-1 ng hapon nang mawalan ng preno dahilan para umatras ang sasakyan dahil sa paahon ang kalsada.
Iniwasan ng suspek ang kasunod na Isuzu closed-van ngunit tuluy-tuloy na naatrasan naman ang naglalakad na si Bayatan na nakaladkad pa ng trak. Mabilis na isinugod sa Valenzuela General Hospital si Bayatan ngunit hindi na naisalba ang buhay nito habang mabilis na naaresto naman si Coz. Nahaharap ito ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.
- Latest