^

Metro

13-anyos mag-aaral nalunod

Ludy Bermudo, Patrick Roy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang estudyante ng pampublikong elementary school  ang nalunod makaraang ma­nguha ng mga basurang nag­lutangan sa seawall ng Manila Bay sa tapat ng Manila Harbour Center, Moreta Compound, Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Christian Cernal, mag-aaral ng General Vicente Lim Elementary School at residente ng Riverside 1, North Harbor, Tondo, Manila.

Sa ulat ni SPO1 Richard Limuco ng Manila Police District-Homicide Section, huling namataang buhay ang biktima na nagpaalam sa kaniyang lola na si Rosalea noong umaga ng Sabado na magtutungo lamang sa bahay ng kaklase at hindi na nakauwi.

Ayon pa sa ulat, mga kalaro na rin ang nakadiskubre sa bangkay ng biktima na na­kitang lumulutang na sa dagat.

Nabatid na malimit na­ngangalakal ang biktima ng basura katulad ng kaniyang mga kalaro kaya posibleng pagtungo sa seawall para manguha ng mapapakina­bangan.

Pinaniniwalaang lumakas ang hangin at alon kaya napadpad ang biktima sa malalim na bahagi ng seawall at nalunod.

 

AYON

CHRISTIAN CERNAL

GENERAL VICENTE LIM ELEMENTARY SCHOOL

MANILA BAY

MANILA HARBOUR CENTER

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MORETA COMPOUND

NORTH HARBOR

RICHARD LIMUCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with