^

Metro

Pastor sinalisihan ng nag-aapply na kasambahay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang pastor ang na­tangayan ng pera at mga alahas  ng isang nag-a-apply bilang kasambahay, kahapon sa Caloocan City.

Sa pahayag sa pulisya ng biktimang si Rolando Ilagan, 61, ng Santa Quiteria ng naturang  lungsod na alas-9:50 ng umaga nang mag-apply sa kanya bilang katulong ang suspek na nagpakilalang Lily Layas sa loob ng kanilang bahay at habang ini-interview ay nakatanggap ng text ang biktima na naglalaman na “gud morning sir, punta kayo church, nadisgrasya si misis, dala ka sasakyan para madala ospital”.

Dahil dito ay nagmamadaling sumakay sa kanyang sasakyan ang biktima ka­sama ang matagal ng katulong na si Maricel at iniwan sa kanilang bahay ang suspek.

Subalit pagdating sa nasabing lugar ay nalaman na hindi totoong nadisgrasya ang asawa ng biktima,  na naging dahilan upang bumalik na lang ang biktima sa kanilang bahay.

Napansin ng biktima na bukas ang pinto ng bahay at pagpasok sa kanilang kuwarto ay nagkalat ang mga gamit at nang tingnan ang nakatagong cash at alahas ay wala  na maging ang suspek.

Nagsasagawa na ng follow-up ang mga pulis at inaalam na rin  kung ano talaga ang pangalan ng suspek at sino ang mga kasabwat  nito sa pagnanakaw.

CALOOCAN CITY

DAHIL

ISANG

LILY LAYAS

MARICEL

NAGSASAGAWA

NAPANSIN

ROLANDO ILAGAN

SANTA QUITERIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with