^

Metro

187 pamilya sa estero sa San Juan, inilikas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May kabuuang 187 pamilya na naninirahan sa gilid ng estero sa San Juan City ang inalis na sa kinatitirikan nilang bahay at inilipat  sa mas ligtas na lugar kahapon.

Ayon kay Interior and Local Government Sec. Mar Roxas, mapanganib na sa mga residenteng nasa gilid ng Salapan Creek ang lugar lalo na kapag may bagyo kung kaya kinaka­ilangan na silang ialis dito at dalhin sa mas ligtas na lugar.

Sabi ng kalihim, ang mga apektadong pamilya ay pagkakalooban ng housing unit ng pamahalaan sa ilalim ng “Oplan Likas” program.

Nilinaw ng kalihim na ang boluntaryong relokasyon ay upang bigyang daan ang konstruksyon ng  Salapan Pumping Station at ng  River Wall na napatunayan ng mga residente ng San Juan na nakapagpababa sa taas ng tubig baha nang manalasa ang bagyong si Glenda.

Ang “Oplan Likas” ay programa ng pamahalaan na ang layunin ay irelocate ang mga informal settlers families (ISFs) mula sa mapanganib na lugar sa iba’t-ibang parte ng Metro Manila. Magiging daan din ito para mapabilis ang paghukay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga dike, sapa, o mga imburnal na makapagpapabuti sa takbo ng tubig at maalis ang pagbaha kapag umuulan.

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

MAR ROXAS

METRO MANILA

OPLAN LIKAS

RIVER WALL

SALAPAN CREEK

SALAPAN PUMPING STATION

SAN JUAN

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with