^

Metro

Publiko pinag-iingat sa mga isdang nahuli sa Pasig River

Mer Layson at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naglutangan ang mga bangus malapit sa pumping station ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa San Francisco St. sa Mandaluyong City kahapon.

Sinamantala naman ng mga residente ang pagkaka­taon at nagkani-kanyang huli ng mga bangus.

Paniwala ng mga residente sa lugar na posibleng nanggaling ang mga bangus sa mga palaisdaan sa Laguna Lake na napinsala ng bagyong Glenda.

Ayon sa residenteng si Romeo Valencia, mga buhay naman ang mga bangus ngunit nasa gilid lamang ang mga ito at lumulutang dahil hindi sila sanay sa tubig-tabang.

Maaari aniyang hulihin ang mga ito gamit lamang ang mga kamay.

Marami naman sa mga residente ang bumili ng fish nets at mga timba na pinag­lagyan ng mga nahuling bangus­.

Marami sa mga residente na nakakuha ng sobra-sobra para sa kanilang pagkain ang ipinagbili ng mura ang mga nahuling bangus.

Samantala, sa Makati City,  nagbabala ang Ma­kati City Health Department (MHD) sa publiko lalo na ang  mga residente sa  lungsod sa pagbili ng isdang bangus at tilapya na nahuhuli sa Pasig River  dahil delikado ito sa kalusugan at posibleng makakuha dito ng sakit na physical retardation at cancer dahil sa kontaminado ang tubig.

Kahapon ay nagpalabas ng babala si Dr. Jocelyn Vaño, city health office ng  MHD  na huwag bibili ng mga isdang nagmula sa Pasig River.

Ang naging hakbangin ng MHD ay matapos silang makatanggap ng report na umapaw ang mga isdang bangus at tilapya sa mga pala­­isda­an sa Rizal at La­guna dulot nang pananalasa ng bagyong Glenda at napunta ito sa Pasig River.

Nabatid na ang mga isdang nahuhuli mula sa Pasig River, ay mayroong toxic chemicals partikular  ang  methylmercury.

 

BANGUS

CITY HEALTH DEPARTMENT

DR. JOCELYN VA

GLENDA

LAGUNA LAKE

PASIG RIVER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with