Operasyon ng LRT at MRT sinuspinde
MANILA, Philippines - Pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng Light Rail Transit Lines 1 at 2 (LRT 1 and LRT 2), at ng Metro Rail Transit (MRT 3) kahapon ng umaga bunsod ng pananalasa ng bagyong Glenda sa Metro Manila. Ayon kay LRT Authority spokesperson Hernando Cabrera, layunin ng suspensiyon na matiyak ang kaligtasan ng mga personnel ng LRT at MRT at mga pasahero dahil na rin sa kawalan ng supply ng kuryente sa maraming lugar sa Metro Manila.
Aniya, posibleng tumigil din sa gitna ng riles ang mga bagon ng LRT at MRT dahil sa malawakang blackout sa National Capital Region. Tiniyak naman ni Cabrera na kaagad nilang ibabalik sa normal ang operasyon ng LRT at MRT sa sandaling gumanda na ang lagay ng panahon.
- Latest