^

Metro

Rollback sa presyo ng petrolyo

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magpapatupad ng rollback sa presyo ng kanilang produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis ngayong araw na ito (Hulyo 15).

Sa abiso ng kompanyang Petron Corporation, Pilipinas Shell at Chevron, epektibong ipinatupad ang rollback para sa kanilang produkto alas-12:01 ng madaling-araw.

Ito ay  nasa tig-P0.95 sa kada litro sa presyo ng kanilang gasolina, diesel at kerosene.

Ayon kina  Ina Soriano,  ng Pilipinas Shell at Raffy Ledesma, Strategic Communications Manager ng Petron Corporation, ang panibagong pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod sa paggalaw ng halaga ng langis sa world market.

Inaasahan naman na susunod na rin mag-anunsyo ang iba pang kompanya ng langis sa kahalintulad ding halaga.

Matatandaan na huling nagpatupad ng pagbaba sa presyo­ ng mga produktong petrolyo noong Hulyo 8 ng taong kasalukuyan.

 

AYON

HULYO

INA SORIANO

INAASAHAN

MAGPAPATUPAD

PETRON CORPORATION

PILIPINAS SHELL

RAFFY LEDESMA

STRATEGIC COMMUNICATIONS MANAGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with