Iniwan ng lover: Nurse nagbigti
MANILA, Philippines - Isang nurse ang natagpuang patay habang nakabitin sa loob ng kanyang kuwarto sa lungsod Quezon kamakalawa.?
Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, si Christine Reondanga, 27, registered nurse ng No. 100 Bayani St., Bgy. Santol ay natagpuang patay dakong alas- 6:30 ng gabi.?
Batay sa imbestigasyon ni PO2 Alvin Quisumbing, may-hawak ng kaso, pinuntahan ang biktima ng kanyan pinsang si Danny John Salazar sa kanyang kuwarto at kinatok subalit hindi ito sumasagot kung kaya’t napilitan na lamang itong puwersahin ang pinto.
Dito na tumambad sa kanyang harapan ang walang buhay na katawan ng biktima habang nakabitin.? Ayon sa source, iniwan umano ang biktima ng kanyang kasintahan.
- Latest