Kasong rape na isinampa ni Deniece vs Vhong, ibinasura
MANILA, Philippines - Ibinasura kamakalawa ng Taguig City Prosecutor’s Office sa piskalya ang kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo laban sa actor at TV host na si Vhong Navarro.
Kaugnay nito, naniniwala ang kampo ng aktor sa pamamagitan ng abogado nitong si Atty. Alma Mallonga, na mapapabilis ang pagkakamit ng katarungan nito hinggil sa kasong serious illegal detention at grave coercion na isinampa naman nila laban sa grupo nina Cedric Lee, na nakadetine ngayon sa custodial center ng National Bureau of Investigation (NBI) at Cornejo na nakakulong naman sa Camp Crame.
Napag-alaman kay Atty. Mallonga na dinismis ng Taguig City Prosecutor’s Office ang kasong rape na isinampa ni Cornejo laban kay Navarro.
Ayon kay Atty. Mallonga, nakasaad sa resolution ng Taguig City Prosecutor’s Office, na kung totoo aniyang ginahasa ni Navarro si Cornejo noong Enero 17 ng taong kasalukuyan, kataka-taka na inanyayahan niyang muling bumalik sa kanyang condo ang aktor.
Ito aniya ang isa sa naging ground ng piskalya upang ibasura ang kasong rape na isinampa nito laban kay Navarro.
- Latest