^

Metro

Pasay fire: Welder sugatan, 5 bus naabo

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalapnos ang balat sa buong katawan  ng isang welder nang tangkain nitong kunin ang kanyang mga ka­gamitan habang nasusunog ang limang bus at ang  kanilang opisina sa Pasay City,  kahapon ng madaling-araw.

Ginagamot sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktimang si Noel Reyes, 26, stay-in sa United Land Transport and Bus Company (ULTRA Bus) na ang tanggapan ay matatagpuan sa Don Carlos St., Brgy. 190 ng nasabing lungsod sanhi ng tinamong 2nd degree burns sa buong katawan.

Batay sa report ng Pasay City Bureau Fire Protection, alas-2:00 ng madaling araw nang biglang magliyab ang garahe ng  naturang kumpanya ng bus.

Ayon sa mga nagrorondang barangay tanod nakita na lamang nilang may usok sa bandang garahe ng Ultra Bus kasunod ng malakas na pagsabog  sa mga nakaparadang bus kung saan mabilis na kumalat ang apoy at ni­lamon ng apoy ang limang unit nito.

Nabatid, na alas-3:30 ng madaling araw nang ideklarang fire out ang nasabing sunog.

Wala naman naiulat na nasawi , gayunman nalapnos ang katawan ni Reyes matapos tangkain nitong iligtas ang kanilang mga kagamitan sa loob ng opisina.

vuukle comment

AYON

DON CARLOS ST.

NOEL REYES

PASAY CITY

PASAY CITY BUREAU FIRE PROTECTION

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

ULTRA BUS

UNITED LAND TRANSPORT AND BUS COMPANY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with