1 pang klinika para sa mga HIV patients sa QC, itatayo
MANILA, Philippines - Upang higit na maprotektahan ang kalusugan ng mga kalalakihan, magtatayo pa ng isang gusali ang Quezon City government para dagdagan ang kasalukuyang QC’s male-focused sexual health care facility ang ‘Klinika Bernardo’ sa Novaliches sa naturang lungsod.
Ang pagkakaroon ng isa pang ‘Klinika Bernardo’ na kinikilalang kauna-unahang first male sundown clinic sa bansa ay bahagi ng patuloy na commitment ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng sapat na gamutan at mapangalagaan ang kalusugan ng mga kalalakihang taga -QC na may sakit na HIV.
“This is a fitting testament that the city government is concerned with addressing the needs of people living with HIV,” pahayag ni QC Mayor Herbert Bautista.
Sinasabing ang itatayong ikalawang klinika ay makikita sa Novaliches na tatawaging ‘Klinika Novaliches’ ay inaasahang mag-ooperate ngayong taon. Ito ay itatayo malapit sa town plaza na lalagyan ng mga HIV testing facilities at pangangasiwaan ng mga medical at clinical personnel ng city health department kasama na ang mga trained peer educators na magbibigay ng libreng counseling sa mga HIV patients.
Sa ngayon, patuloy ang pagpupursigi ng QC government na ayusin at pagandahin ang kasaluluyang ‘Klinika Bernardo’ bilang country’s premiere place para pagalingin ang mga may sakit na STD/HIV/AIDS.
Ang Klinika Bernardo ay makikita sa likod ng Ramon Magsaysay High School sa Cubao na bukas mula Lunes hanggang Biyernes mula alas- 3 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi .Ito ay nagkakaloob din ng diagnostic, treatment at referral facility sa mga pasyenteng may sexual related diseases.
Sinabi ni Dr. Rolly Cruz ng city health department, naglaan ang lungsod ng P15 million para sa HIV/AIDS control program ngayong 2014.
Noong 2013 ang QC ay nakapagtala ng 492 HIV cases at patuloy ang pagtaas ng bilang ngayong taon kung saan mga lalaki ang may pinakamaraming pasyente ng naturang sakit.
- Latest