^

Metro

Mensahero sugatan sa holdap

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang  messenger ng isang dealer ng softdrinks matapos itong barilin at holdapin ng  dalawang hindi  nakikilalang suspects habang ang biktima ay papunta sa isang banko para mag-deposito ng halagang tinatayang nasa P.1 milyon, kahapon ng umaga sa Makati City.

Ginagamot ngayon sa Saint Claire Hospital sa Brgy. Palanan ang biktimang si Celedonio Corsedo, 66, ng Cainta, Rizal na nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang hita buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Lumalabas sa sketchy report na natanggap ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Makati City Police, naganap ang insidente alas-10:30 ng umaga sa panulukan ng Gil Puyat Avenue at Edison St., Brgy. San Isidro ng naturang lungsod habang naglalakad ang biktimang si Corsedo dala  ang isang bag na naglalaman ng halagang P100,000.00 para ideposito sa banko.

Sinalubong ito ng dalawang kalalakihan sabay na nagdeklara ng hold-up ang mga suspect.

Papalag sana ang biktima, subalit binaril siya ng isa sa mga suspek dahilan upang duguan itong bumagsak.

Matapos matangay ng mga suspek ang naturang halaga, naglakad lamang ang mga ito ng ilang metro ang layo patungo sa nakaparada  nilang motorsiklo na hindi naplakahan na ginamit sa pagtakas.

Sa ngayon ay iniimbestigahan ng pulisya ang insidente at inaalam na rin nila kung “inside job” ang naganap na panghoholdap.

 

BRGY

CAINTA

CELEDONIO CORSEDO

EDISON ST.

GIL PUYAT AVENUE

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

SAINT CLAIRE HOSPITAL

SAN ISIDRO

STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT BRANCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with