^

Metro

Manila Command Center vs traffic, kalamidad – Isko

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi lamang  sa trapiko magagamit ang  command center ng Maynila kundi maging sa iba’t ibang  kalamidad na darating sa bansa.

Ito naman ang tiniyak ni Manila Vice Mayor Isko Moreno kung saan sinabi nito na malawak na ang  scope ng  Emergency Response Assistance Program (ERAP).

Ayon kay Moreno,  sa  command center ma­daling makikita kung saan ang  lugar sa Maynila  ang  apek­tado ng kalamidad tulad ng bagyo, pagbaha at lindol. Ito aniya ang dahilan ng  pagsasagawa ng city-wide drill noong Martes upang  mabigyan ng paghahanda ang mga residente at establisimyento sa lungsod sakaling mangyari ang pananalasa ng bagyo, lindol lalo na ng tsunami.

Inirekomenda din ng bise alkalde ang pagda-download ng Go! Manila application sa mga cellphones para sa traffic at emergency situation.

Una na ring sinabi ni  Manila Mayor Joseph Estrada na  handa na ang  Manila Disaster Risk Re­duction Management Council sa pamumuno ni Johnny Yu sa mga kalamidad sa tulong ng mga makabagong emergency equipment.

Nais ni  Estrada na dagdagan pa ang mga ka­gamitan upang  mas madali ang pagliligtas sa mga biktima.

Ayon naman kay Yu,  bagama’t  paghahanda pa rin ang  pinaka-epektibong paraan upang makaligtas sa anumang uri ng kalamidad.

Aniya, ang city-wide drill ay paalala lamang sa lahat lalo pa’t wala namang pinipili ang kalamidad.

Sinabi din ni Yu na  handa na ang mga tauhan ng  command center maging ang  MDRRMC sa  mga kalamidad.

AYON

EMERGENCY RESPONSE ASSISTANCE PROGRAM

JOHNNY YU

MANAGEMENT COUNCIL

MANILA DISASTER RISK RE

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with