^

Metro

Natakasan ng Vietnamese 6 na tauhan ng BI nasa ‘hot water’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa “hot water” nga­yon ang anim na tauhan ng Bureau of Immigration (BI) matapos makatakas ang isang Vietnamese national na illegal na nakapasok sa bansa.

Ayon kay BI Commissioner Siegfred Mison, pinagpapaliwanag niya ang tatlong tauhan ng Intelligence Division at tatlong  tauhan ng Airport Operation Division (AOD) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2. Tumanggi munang  ibunyag ni Mison ang pangalan ng mga  sangkot.

Paliwanag pa ni Mison na sakaling mapatunayang nagpabaya ang mga ito sa tungkulin ay maaaring maharap sa kasong administratibo tulad ng gross neglect of duty at grave misconduct.

Binigyan ng BI ng 7-araw ang nasabing mga tauhan nito na magpaliwanag at karagdagang 7-araw para pag-aralan ng board of inquiry ng ahensya ang sagot ng mga ito.

Sinabi pa ni Mison na nakipag-ugnayan na ang ahensya sa mga opis­yales ng Vietna­mese embassy sa bansa upang mapadali ang pag­hahanap sa Vietnamese national na nakilalang si Phan Tan Loc, na posib­leng nananatili pa sa Metro Manila.

Base sa record ng BI, dumating sa bansa ni Phan sakay ng PAL-5J752 galing Saigon, Viet­nam noong nakalipas na Sabado subalit nang dumaan ito sa immigration counter ay wala itong maipakitang hotel booking kung saan ito pansamantalang mananatili.

Subalit sa hindi ma­la­mang dahilan ay nagawang makapuslit ng Vietnamese national hang­gang sa tuluyang makalabas ng paliparan.

AIRPORT OPERATION DIVISION

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER SIEGFRED MISON

INTELLIGENCE DIVISION

METRO MANILA

MISON

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT TERMINAL

PHAN TAN LOC

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with