Lalaki grabe sa naka-maskara
MANILA, Philippines - Bigong makilala sa closed circuit television camera (CCTV) na nakakabit sa poste ang nag-iisang salarin na nakamaskara at bumaril sa isang lalaki, kamakalawa ng madaling araw sa Caloocan City.
Nasa kritikal na kondisyon sa loob ng Manila Central University Hospital dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo ang biktimang si Valmore Valdez, 38, residente ng Quezon City.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-3:20 ng madaling araw nang makunan ng CCTV footage ang suspek na nakamaskara sa may Intang St. sa Bagong Barrio.
Nang mapadaan sa kanyang harapan ang nag-iisang biktima ay agad itong pinaputukan ng suspek gamit ang hindi pa mabatid na kalibre ng baril.
Mabilis na tumakas ang salarin makaraan ang krimen habang sinaklolohan naman ang biktima ng mga tanod na siyang nagdala sa kanya sa pagamutan.
Blangko naman ang mga otoridad sa motibo ng naturang pamamaril ngunit may teorya ang pulisya na maaaring panghoholdap o iligal na droga ang ugat nito.
- Latest