^

Metro

1 utas, 1 sugatan mag-live-in tinarakan habang natutulog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas  ang isang lalaki habang sugatan naman ang live-in partner nito makaraang pasukin sila sa loob ng bahay at pagsasaksakin habang natutulog ng mga hindi pa nakikilalang suspect, kamakalawa ng hapon sa Navotas City.

 Hindi na umabot ng buhay sa Pagamutan Lungsod ng Malabon ang 31-anyos na si Juanito Robles, Jr., ng Galicia St., Brgy. Bangkulasi, ng naturang lungsod.  Isinugod rin nang magtamo ng saksak sa balikat at braso ang kinakasama nitong si Maricris Gonzales, 35-anyos.

Sa ulat ng pulisya, kapwa natutulog sa loob ng kanilang bahay sina Robles at Gonzales dakong alas-2 ng hapon nang pasukin ng hindi nakilalang salarin at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang dalawa.

Nang makalabas ng bahay, nakita naman ang suspek ng pamangkin ng mga biktima na si Rogelio Perante.  Hinabol nito ang salarin na nagawa pa niyang masaksak sa likod ngunit tuluyan ring nakatakas nang makasakay sa isang naghihintay na tricycle.

Isinasailalim ngayon sa imbestigasyon sina Gonzales at Perante upang makilala ang salarin at mabatid ang motibo sa pamamaslang.

 

vuukle comment

BANGKULASI

BRGY

GALICIA ST.

GONZALES

HINABOL

JUANITO ROBLES

MARICRIS GONZALES

NAVOTAS CITY

PAGAMUTAN LUNGSOD

ROGELIO PERANTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with