^

Metro

1 pang insidente ng hazing, sinisilip

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa rin umanong estud­yante ng Unibersidad ng Pilipinas ang naging biktima ng fraternity hazing na ginamot sa isang ospital sa Quezon City kamakailan matapos mag­tamo ng mga injuries sa katawan.

Gayunman, ayon kay QCPD Chief Supt. Richard Albano, may nagsabi sa kanya ukol sa umano’y in­sidente ng hazing, pero walang opisyal na report na naitala sa bawat police stations kaugnay dito.

Kaya naman hinikayat ni Albano ang sinasabing bik­tima na dumulog sa kanilang himpilan at i-report ang nasabing insidente.

Sabi pa ni Albano, tining­nan din nila ang ilang ospital sa siyudad, pero wala umanong rekord ng pas­yenteng nabiktima ng hazing.

Base sa ulat, ang biktima ay nakaligtas sa ipinapalagay na fraternity hazing. Ang biktima di-umano ay nagtamo ng matinding injuries at naospital ng ilang araw.

Ito ay 17-anyos, isang atleta at incoming sophomore sa UP. Ang sinasabing sangkot sa insidente ng hazing ay mga prominenteng UP fraternity.

Sabi ni Supt. Richard Fiesta­, hepe ng QCPD-Station 9, ang may hurisdiksyon sa Diliman Campus, ang pi­nalalagay na insidente ng hazing ay hindi umano nai-report sa mga otoridad ng unibersidad.

Samantala, tiniyak naman­ ni Albano sa sina­sabing biktima ang proteksyon kung magdedesisyon itong lumapit sa kanila at ireport ang pang­yayari.

 

ALBANO

CHIEF SUPT

DILIMAN CAMPUS

GAYUNMAN

QUEZON CITY

RICHARD ALBANO

RICHARD FIESTA

SABI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with