^

Metro

Waste segregation scheme, giit palakasin

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa maraming hindi sumusunod, kinalampag kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga local­ government units (LGUs) ukol sa mahigpit na pagpapatupad ng waste segregation scheme sa kanilang mga nasasakupan.

Sinabi ni MMDA General Manager Corazon Jimenez, panahon na upang itulak ng mga lokal na pamahalaan ang mahigpit na pagpapatupad sa waste segregation scheme kung nais ng mga ito na manatiling malinis at hindi tumambak ang bulto-bultong basura sa kanilang nasasakupan na isa mga pangunahing problema nang pagbaha dahil nababarahan ang mga daluyan ng tubig ng Kalakhang Maynila.

Ayon sa MMDA, napansin nila na marami ang hindi sumusunod sa waste segregation scheme na kung saan ihihi­walay ang mga nabubulok sa hindi nabubulok na mga basura.

Dahil dito, ayon kay Jimenez, kailangan gumawa ng ka­ni­lang sariling hakbang ang mga lokal na pamahalaan upang ma­ipatupad ng mahigpit ang tamang pagtatapon ng basura.

Tinukoy ni Jimenez sa Quezon City na may umiiral na ordi­nansang “no segregation, no collection.”

Sinabi pa ni Jimenez, na kailangan nang ganap na ma­isa­katuparan ang R.A. 9003 o Eco Solid Waste Management Act dahil malaki ang maitutulong nito hindi lamang upang ma­pa­natili ang kalinisan sa kapaligiran kundi higit sa lahat upang maibsan pa ang malawakang pagbaha sa Metro Manila.

DAHIL

ECO SOLID WASTE MANAGEMENT ACT

GENERAL MANAGER CORAZON JIMENEZ

JIMENEZ

KALAKHANG MAYNILA

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with