Tamang bihis, disiplina ipatutupad sa mga pulis QC
MANILA, Philippines - Upang maibalik ang respeto at pagtitiwala ng publiko sa hanay ng kapulisan, hinikayat ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Chief Supt. Richard Albano na ipatupad ang “tamang bihis at disiplina” sa kanilang mga sarili, kapag sila ay naka duty.
Ayon kay Albano, ang wastong kasuotan at tamang pagbihis ng kapulisan makikita kung anong uri ng isang pulis ang kanilang tagapagbantay. Dahil kung sa pagbihis pa lamang ay hindi na maganda o lousy, walang sinumang mamamayan ang magtitiwala o lalapit para humingi ng tulong.
Nauna rito, nagsagawa ng field testing ng mga bagong PNP uniform ang mga police officer sa Camp Karingal, kung saan binigyang diin ng Heneral na ang panlabas na kaanyuan ng isang personnel ay dapat na karespe-respeto at kagalang galang.
Kailangan anya na isuot lamang nila ang otorisadong uniporme na inilaan sa kanila upang makaiwas sa mga pasuway tulad ng hindi tamang gupit ng buhok, maduming sapatos at uniporme, hindi naka-ahit ang balbas, walang panyo, at walang Miranda Warning Card na kailangan sa inspeksyon.
Sabi pa ng Heneral, kasama sa pisikal na kaanyuan ng isang police officer ay ang tamang disiplina at ugali sa kanyang trabaho.
Maging sa spiritual reflections na ibinibigay kada umaga sa formation ng lahat ng mga personnel para sa attendance.
- Latest