^

Metro

Declogging operation sa Makati City, hiling doblehin

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umapela ang pamahalaang lungsod ng Makati sa mga ahensiya ng pamahalaan na may hurisdiksiyon sa flood control na doblehin aniya ang declogging ope­ration nito upang maibsan ang mabilis na pagbaha sa maraming lugar dito.

Ang apila ay bunsod sa nangyaring pagbaha sa ilang pangunahing lansa­ngan ng lungsod, partikular sa  kahabaan ng Gil Puyat Avenue; Osmeña Highway, na mga itinuring na national road; Dela Rosa St., Pasong Tamo at lahat ng lansangan ng Barangay Pio Del Pilar noong Huwebes ng gabi.

Ayon sa Makati City go­vernment, ang national go­vernment ang may huris­diksiyon at may pananagutan sa mga national road at hindi ang local government unit (LGU).

Ang hurisdiksiyon lamang aniya  ay ang mga secondary road, subalit naapektuhan ang secon­dary road ng mataas na tubig baha dahil nagmumula ito sa national road na may ma­tinding problema sa drainage system.

Ang ganitong problema ay nagsimula pa 1970’s hanggang sa kasalukuyang taon pero hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nabibigyang solusyon. 

Magugunitang noong nakalipas na Huwebes ay  libong motorista at mga ma­nanakay ang na-stranded dahil sa matinding  trapik na kanilang naranasan makaraang magmistulang dagat ang kahabaan ng Gil Puyat Avenue at Osmeña Highway  dulot nang malakas na pag-ulan.

 

BARANGAY PIO DEL PILAR

DELA ROSA ST.

GIL PUYAT AVENUE

HUWEBES

MAKATI CITY

OSME

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with