^

Metro

Silver cleaner giit na ma-regulate sa QC

Janvic Mateo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagharap ng panukalang ordinansa  ang isang konsehal sa Quezon City para ma-regulate ang pagbebenta ng silver cleaner na may sangkap na cyanide sa merkado sa lungsod.

“Ang silver cleaner na may cyanide ay ibinebenta sa retail outlets na panga­nib sa kalusugan at maging sa komunidad, idagdag pa ang maraming insidente ng kamatayan dahil sa hindi tamang paggamit o pag-iimbak nito,” pahayag ni First District Councilor Dorothy Delarmente sa kanyang panukala.

Idinagdag pa ng konsehal na may urgent need para ito maipagbawal o ma ban ang pagbebenta ng silver cleaner na nagtataglay ng cyanide sa retail outlets.

Sa kanyang panukala, sinabi ni Delarmente ang pangangailangan para ma­ipagbawal ang pagbebenta nito sa lahat ng tindahan sa lungsod maliban na lamang kung inawtorisa ang mga ito ng local government.

Ang mga pahihintulu­tang magbenta ay kaila­ngan naman na ma-maintain sa registry ang pangalan, tirahan at hanapan ang mga bibili ng ID.

Sa kanyang panukala, ang sinumang lalabag sakaling maaprubahan ang panukalang ordinansa  ay pagmumultahin na may ka­akibat na pagkakulong at kanselasyon ng kanilang business permit.

 

vuukle comment

CLEANER

CYANIDE

DELARMENTE

FIRST DISTRICT COUNCILOR DOROTHY DELARMENTE

IDINAGDAG

KANYANG

NAGHARAP

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with