Trabaho para sa mga technical/vocational graduates isinulong ni VM Joy B
MANILA, Philippines - Isinulong ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang programang naglalaan ng trabaho sa lahat ng mga technical at vocational course graduates sa National Capital Region, partikular sa Quezon City sa ilalim ng Jobs Bridging Program ng kanyang tanggapan.
“Ito ay patuloy nating gagawin, ang programang ito ay pagtatagpo ng mga graduates at trabaho para mabigyan ng hanapbuhay ang mga technical at vocational course graduates natin upang makatulong sila sa kanilang pamilya,†pahayag ni Belmonte.
Katulong ng tanggapan ni Belmonte sa programang ito ang TESDA, Department of Labor, Dept. of Social Welfare and Development at Meralco Foundation Inc. na inilunsad sa Trinoma sa lungsod.
Mahigit 50 kompanya ang nakiisa sa proyektong ito na naglaan ng trabaho sa naturang mga graduates at libong mga graduates naman mula sa NCR ang nagsipag-aplay sa naturang mga kompanya.
“Para itong jobs fair, ang pagkakaiba nga lamang sa programang ito ay pinag-uugnay natin ang kanilang natapos na kurso sa mga trabahong naghihintay para sa kanila,†dagdag ni Belmonte.
- Latest