^

Metro

Libu-libong unclaimed plates sa MMDA, gagawing bangka

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinag-aaralan ng Metropo­litan Manila Development Authority (MMDA) na i-recycle at gawin na lamang rescue boats ang libu-libong plakang nakumpiska nito upang mapakinabangan at hindi ma­sayang.

Sinabi ni  MMDA Chairman Francis Tolentino, kung sila aniya ang masusunod nais na nilang tunawin ang may 22,628 na plakang nakum­piska upang gawin na lamang itong bangka. 

Ngunit, kailangan pa nilang humingi ng pahintulot sa COA at oras na sila’y pagbigyan ay maari umano itong simulan.

Nabatid, na una nang isina­publiko ni Tolentino ang kabuuang 22,628 na nakumpiskang plaka ng ahensiya mula taong 1994  hanggang 2004 na hindi na kinuha ng mga may-ari  at ito’y nabubulok na umano sa kanilang tanggapan.

Sa kabuuang bilang, 4,595  dito ay dahil sa illegal parking, sinundan ng reckless driving na umabot 4,017; un­registered vehicles, 3,238; out of line, 2,757; at colorum, 2,184.

Ang malaking bilang umano ng unclaimed plates o hindi na kinuha ay mula sa motorsiklo na 7,494; private vehicles, 5,800; public utility jeepneys (PUJs), 4,584; buses, 3,700; trucks, 700; at AUVs, 350.

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

METROPO

NABATID

NGUNIT

PINAG

SINABI

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with