^

Metro

Rookie cop tumba sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bagitong pulis ang nasawi, habang isa pang kasamahan nito ang sugatan, makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem malapit sa kanilang bahay sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Si PO1 Khrissan Abbey Nad, 29, binata, at nakata­laga sa Quezon City Police District Station 3, ay binawian ng buhay, ganap na alas-10:05 ng umaga habang inoobserbahan sa isang ospital, ayon kay PO3 Edwin dela Cruz, desk officer ng PS3.

Sugatan naman ang kasamahan nito na nakilalang si John Alfred Alipio, 21, na patuloy na nakaratay sa ospital bunga ng isang tama ng bala sa likuran.

Mabilis namang tumakas ang mga suspect matapos ang nasabing pamamaril.

Nangyari ang krimen, ganap­ na alas-6:30 kama­kalawa ng gabi malapit sa bahay ng mga biktima na matatagpuan sa Sitio Militar, Brgy. Bahay Toro sa lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO3 Harry Budomo, kadara­ting lamang umano ng mga biktima sakay ng isang motorsiklo sa kanilang bahay at pababa na ng kanilang sa­sakyan nang biglang sumulpot mula sa kanilang likuran ang mga suspek.

Mula rito, walang kaabug-abog na pinaputukan ng suspek na back rider ang mga biktima at saka nagsipagtakas. Mabilis namang sinaklolohan ang mga biktima ng mga residente at isinugod sila sa Quezon City General Hospital, para magamot.

Subalit, makalipas ang halos 18 oras na pakikipag-laban sa tinamong tama ng bala sa bunbunan ay nala­gutan din ng hininga si Nad.

Narekober sa lugar ang dalawang slug at tatlong basyo ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Ang kaso ay hawak na ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police para sa masusing imbestigasyon.

vuukle comment

BAHAY TORO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

HARRY BUDOMO

JOHN ALFRED ALIPIO

KHRISSAN ABBEY NAD

MABILIS

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

QUEZON CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with