^

Metro

Demolisyon sa QC, nauwi sa karahasan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nauwi sa karahasan ang ginawang paggiba sa mga informal settlers ng mga tropa ng demolition team ng lokal na pamahalaan sa Quezon City matapos na pumalag ang ilang mga apektadong residente, kahapon ng umaga.

Mga bato, mga bote ng softdrinks at mga plastic bottle na may lamang tubig ang sumalubong sa mga tropa ng demolition team at ng tropa ng Quezon City Police District Station 9 nang simulang pasukin ang kabahayan sa K-9 St., Brgy. West Kamias, alas-8 ng umaga.

“Mabuti na lang wala sa ‘ming tropa ang tinamaan, kasi maraming bote at bato ang hinagis ng mga residente, katunayan nagkalat ang mga basag na bote sa paligid,” sabi ni Supt. Richard Fiesta, hepe ng PS9.

Umalma ang mga residente sa pagsa­sabing iligal ang demolisyon dahil wala naman anya itong court order.

Bagama’t nagkaroon ng gulo, nagawa ng tropa na mapasok ang linya ng barikadang itinayo ng mga residente at masimulan ang pagdemolis sa mga kabahayan.

Sabi ni Fiesta, nang mapasok nila ang lugar ay tuluyan nang humupa ang galit ng mga residente at nagpaubaya na sa mga demolisyon team na magiba ang kanilang mga bahay.

May narekober din ang awtoridad ng isang air gun mula sa isang bahay na denedemolis.

Alas-11 ng umaga nang tuluyang magiba ng mga demolisyon team ang tinatayang nasa 25 informal settlers at aabot sa 100 indibiduwal ang naapektuhan.

Ang nasabing kabahayan ay itinayo malapit sa kalsada dahilan para sila paalisin sa lugar.

 

BAGAMA

BRGY

NAUWI

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT STATION

RICHARD FIESTA

SABI

WEST KAMIAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with