PNP kinalampag sa pagpaslang sa mga opisyal ng barangay
MANILA, Philippines - Bumuo ngayon ng resolusyon ang Liga ng mga BaÂrangay sa Pilipinas para pakilusin ang Philippine National Police (PNP) upang maÂresolba at masawata ang talamak na umanong pamamaslang sa mga opisyal ng barangay sa Metro Manila at sa mga probinsya.
Sa resolusyon no. 14-13 na binuo ng Liga, labis na silang naaalarma sa sunud-sunod na patayan sa mga kapitan at kagawad ng barangay na tila hindi natututukan ng PNP upang matigil.
Sa Metro Manila, pinakaÂnakakaalarma ang sunud-sunod na pagsalakay ng riding-in-tandem umpisa pa noong nakaraang taon makaraang mapaslang si Brgy. 178 chairman Felipe Alday noong Agosto 2013.
Sinundan ito ng pamamaslang kina Brgy. 187 kagawad Luisito Banzon, Marso 22; Brgy. 183 chairman Pedro Ramirez, Marso 25; Brgy. 181 kagawad Garry Moralla, Mayo 9; Barangay 44 kagawad Rogelio Escano, Mayo 10; Barangay 174 kaÂgawad Edward Jundayao. Bukod sa kanila, naÂpaslang din ang dating pulis na si EduarÂdo Balanay, deputy chief ng Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM).
Sinabi ni Liga President Atty. Edwin Abesamis na kumikilos naman umano ang PNP sa mga pamamaslang sa mga opisyal ng barangay maging sa mga probinsya ngunit tila hindi sapat ito upang matigil at mapanagot ang mga nasa likod ng kriÂminalidad.
Nakasaad din sa resolusyon ang pakikiisa nila sa mga awtoridad at pagbiÂbigay ng suporta para sa ikareresolba ng mga kaso ng pamamaslang. Ang kanilang hanay umano ang palaging humaharap sa mga kaguluhan sa mga barangay kaya’t nararapat na mabigyan din sila ng sapat na proteksyon ng PNP.
Sa Caloocan, naglabas na si Mayor Oscar Malapitan ng P200,000 pabuya sa sinumang makapagtuturo sa mga sangkot sa pamamaslang sa mga opisyal ng barangay sa lungsod. NaÂngako naman ang Caloocan City Police na paiigtingin ang paghahanap sa mga gunman na hanggang ngayon ay hindi pa nadadakip.
- Latest