QC fire: 5 sugatan, 50 bahay naabo
MANILA, Philippines - Isang retiradong bumbero at apat na sibilyan ang sugatan sa sunog na lumamon sa may 50 bahay sa lungsod Quezon, kamakalawa ng hapon.
Ayon kay Supt. Jesus Fernandez, fire marshal ng Quezon City, nakilala ang mga sugatan na sina ret. SFO2 Eldie Arubang, dating nakatalaga sa National Headquarter ng BFP na nagtamo ng 2nd degree burns; John Marivic, 20; Jeri Ruiz, 45; Mark Antonio, 16; at Henry Ranulfo.
Nagsimula ang sunog, ganap na alas-4: 10 ng hapon sa dalawang palapag na bahay, partikular sa rooftop ng isang Merlita Sayson na mataÂtagpuan sa Brgy. TaÂtalon.
Sa lakas ng apoy, mabilis itong kumalat sa mga kaÂtabing bahay, dahil magkaÂkadikit-dikit lamang ang mga ito at gawa sa light materials.
Tumagal ang pag-apula sa sunog, bunga ng makitid na kalye at mga nakahambalang ng mga kagamitan, kung kaya umabot ito sa Task Force Alpha, bago tuluyang idineklarang fire out, dakong alas-6 ng gabi.
Tinatayang aabot sa P300,000 halaga ng napinsalang ari-arian sa sunog, habang may 150 pamilya dito ang nawalan ng tirahan.
- Latest