^

Metro

6 kidnaper ng turistang Chinese, timbog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Anim na kalalakihan ang sinampahan kahapon ng kasong paglabag sa Republic Act 1084 at serious illegal detention sa Pasay City Prosecutor’s Office matapos nilang kidnapin sa Maynila ang isang turistang Chinese national noong Biyernes.

Nakakulong ngayon sa Pasay City Police detention cell ang mga suspek na sina Richard Eloriaga, 31; Christoper Esperat­, 29; Roel Fausto, 32; Da­niel Ren, 20, isang Tsinoy; Giovani Erollo, 20 at Ramon Paran, 17.

Nauna rito, nailigtas mula sa kamay ng mga kidnaper ang biktimang si Shang Pang Wa, 34, isang turistang Chinese sa Queensland Hotel sa FB Harrison, Pasay City alas-6:00 kamakalawa ng gabi.

Nabatid na dinukot ng mga suspek ang biktima sa Maynila noong Biyer­nes at mula sa Remington hotel, ilang beses itong  inilipat sa mga hotel sa Alabang, Muntinlupa City at Taguig City at pinatutubos sa mga ka­anak ng dalawang mil­yong piso.

Noong Linggo (June 22) ng umaga nang makatanggap ng text message  si Joanne Bautista mula sa kaibigang si Shang na nagpapasaklolo ito.

Kung kaya’t agad na humingi ng tulong si Bau­tista sa tanggapan ni Se­nior Supt. Florencio Ortilla, hepe ng Pasay City Police dahilan upang mag­lunsad sila ng rescue operation, na nagresulta nga sa pagkakadakip sa anim na kidnapper kasa­bay nang pagkasagip sa biktima.

Depensa ng mga suspek, may utang aniya  ang biktima sa isang kapwa nito Chinese national kaya pinabantayan ito sa ka­nila sa loob ng halos apat na raw.

Sinampahan na ng mga kaukulang kaso ang anim na kidnapper at ina­alam pa kung isang orga­nisadong grupo ang nasa likod ng pagdukot dito.

 

CHRISTOPER ESPERAT

FLORENCIO ORTILLA

GIOVANI EROLLO

JOANNE BAUTISTA

MAYNILA

MUNTINLUPA CITY

PASAY CITY POLICE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with