Top 10 Manilans pararangalan ngayon
MANILA, Philippines - Natakdang gawaran ng parangal ngaÂyong gabi ng lungsod ng Maynila ang Top 10 Manilans bilang baÂhagi ng pagÂÂÂdiriwang ng ika-443 taong Araw ng Maynila na gaganapin sa Tent City ng Manila Hotel.
Pangungunahan nina Manila Mayor Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno ang pagbibigay ng paraÂngal sa mga natataÂnging tao na nakaÂtulong ng malaki hindi lamang sa Maynila kundi sa bansa.
Kabilang dito sina Hon. Justice Jhosef Lopez, Court of Appeals; Rudy SarÂmiento, ASEAN Paragames MeÂdaÂlist; Ms. Lulu Coching, Painter/Portraitist; Dr. Alfonso Uy, Presidente ng Phil. Chinese Chamber of Commerce; Hon. Danilo Lacuna at Hon. James Barbers, kapwa dating MaÂnila Vice Mayor; Dr. Nona Ricafort, Board Secretary ng Phil. Red Cross, MaÂnila chapter; Dr. Fiorello Estuar, daÂting DPWH SecÂretary; Hon. Ramon Bagatsing, Posthumous-dating Manila Mayor at Mr. German Moreno, Producer/TV and Radio host.
Ang Gawad Gat Andres Bonifacio naman ay paraÂngal para kay dating Manila Mayor Arsenio Lacson.
- Latest