P2-M natupok sa sunog
MANILA, Philippines - Tinatayang nasa P2 milÂyon ang halaga ng ari-arian-ariang natupok ng apoy nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Abad Santos at Solis St., sa Tondo, MayÂnila kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Manila Fire Bureau Supt. Jaime RaÂmirez, nagsimula ang sunog bago mag-alas-10:00 ng gabi sa bahay ng isang Oliver Caliwang na nasa gitna ng mga kabahayan.
Dahil umano sa makipot na daan ay nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang naglalagablab na apoy.
Nasa 40 kabahayan at 80 pamilya naman ang apekÂtado sa sunog matapos maging abo ang kaniÂlang mga bahay.
Hinihinalang electrical o napabayaang appliances ang sanhi ng sunog.
Idineklara namang fire under control alas-11:31 ng gabi ang sunog.
- Latest