6 na sasakyan nagkarambola sa QC
MANILA, Philippines - Nagkabuhul-buhol ang daloy ng trapiko sa north-bound lane ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) malapit sa Muñoz Market sa Quezon City matapos na magkarambola ang anim na behikulo nitong Sabado ng madaling-araw.
Ayon kay Supt. Ely Pintang, hepe ng Quezon City Police District-District Traffic Enforcement Unit (QCPD-DTEU), naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng madaling-araw sa Dario Bridge/EDSA.
Kabilang sa mga nagbanggaang behikulo ay isang Mitsubishi Montero, isang taxi, isang mini bus, SUV, Toyota Highlander at Toyota Revo.
Base sa inisyal na imbestigasyon, kasaluÂkuyang minamaneho ni Hanz Go, 23, ang kanyang Mitsubishi Montero (JG-022) sa kahabaan ng north-bound lane ng EDSA patungong Balintawak, Quezon City nang may tumawid na lalaki na iniwasan nito.
Bunsod nito ay nahagip ng Montero ang isang tourist bus (RNB 494 ) na minamaneho ni Enrico Mendoza, 46, ng Bulacan.
Samantala, nadamay din sa karambola ang apat pang behikulo na kinabibilangan ng R&E taxi, isang Mazda SUV, isang Toyota Highlander at isang Toyota Revo.
Ayon sa opisyal, wala namang nasawi sa insidente pero nagdulot ang karambola ng pagkakabuhol-buhol ng trapiko sa naÂsabing lugar.
“Naantala ang traffic sa area pero after one hour, nag-normalize naman ang daloy ng mga sasakyan,†dagdag pa ni Pintang.
- Latest