^

Metro

Dinismis na parak na bumibiktima sa mga turista, muling tumira

Aie Balagtas See - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muli na namang umatake ang isang dinismis na pulis na bumibiktima sa mga da­yuhan sa Ermita, Manila kung saan isa na namang 74-anyos­ na Japanese tourist ang kanyang biniktima.

Kinilala ng biktimang si Yamuo Nabazaki, ang larawan ng dinismis na si PO1 Reggie Dominguez makaraang magharap ng reklamo ang una laban sa huli.

Ayon kay PO3 Jayjay Jacob, ng MPD-Ge­neral Assignment Section, ma­raming mga turistang da­yuhan ang nagharap ng reklamong  ‘hulidap’ laban kay Do­minguez.

Modus umano ng suspect na pulis na lalapitan ang mga turistang dayuhan suot ang kumpletong uniporme ng pulis at saka kakasuhan ng kung anu-ano.

Dito na umano hihingi ng pera ang pulis kapalit ng kanilang kalayaan.

Ayon pa kay Jacob, si Dominguez ay dating naka­destino sa MPD-Police Station 9 bago ito nadismis sa mga kasong robbery at usurpation of authority.

“Lahat kaming imbes­tigador dito may kaso siya na puro foreigner ang bini­biktima. Wanted na nga siya,” dagdag pa nito.

Ayon sa biktimang si Nabazaki, umiinom siya ng beer sa labas ng isang convenience store sa Ma­late nang lapitan siya ni Dominguez dakong alas- 11:30 ng gabi.

Puwersahan umanong pinasakay ni Dominguez ang dayuhan sa kanyang Toyota Revo (XLX-636 at doon kinulimbatan ng P6,000 at 30,000 Yen.

ASSIGNMENT SECTION

AYON

DOMINGUEZ

JAYJAY JACOB

POLICE STATION

REGGIE DOMINGUEZ

SHY

TOYOTA REVO

YAMUO NABAZAKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with