^

Metro

Truck salpok sa poste: 3 sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo katao ang sugatan nang ang sinasakyan nilang truck ay sumalpok sa poste ng MERALCO sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Chief Inspector Enrico Figueroa, hepe ng Quezon City Police District-Traffic Sector 4, ang mga biktima na sina Fredelin Logro, 36, truck driver, ng Mandaluyong City, at mga kasamahang sina John Rey Logro, 17, at Noel Malinao.

Naipit umano ang katawan ni Fredelin sa bakal at tumagal ng halos 2 oras bago tuluyan siyang maalis dito ng mga rescue team.

Nangyari ang insidente sa may north-bound lane ng Araneta Avenue corner Baloy St., Brgy. Doña Imelda, ganap na alas-5:30 ng umaga.

Minamaneho ni Fredelin ang mini-dump truck (BCL-402) at tinatahak ang Araneta Avenue nang biglang mawalan ito ng kontrol at tinumbok ang bakal na poste ng MERALCO sanhi para sila masugatan.

 

vuukle comment

ARANETA AVENUE

BALOY ST.

CHIEF INSPECTOR ENRICO FIGUEROA

FREDELIN

FREDELIN LOGRO

JOHN REY LOGRO

MANDALUYONG CITY

NOEL MALINAO

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-TRAFFIC SECTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with