Libong kababaihan, nakinabang sa libreng gamutan ni VM Joy B
MANILA, Philippines - Libong mga kababaihan sa Quezon City ang naÂkinabang sa isinagawang medical assistance ni QC Vice Mayor Joy Belmonte sa ilalim ng Joy of Public Service program ng tanggapan.
Partikular na nabiyayaan ng naturang proyekto ang mga kababaihang residente mula District 1 hanggang District 5 sa lungsod sa pakikipagtulungan ng mga barangay officials, QC GeÂneral Hospital at Philippine Cancer Society.
Ang libong mga benepisyaryo ng proyekto ay nabigyan ng libreng pap smear at breast exam na una nang hiniling ng mga barangay officials kay Belmonte na maisailalim ang mga constituents sa naturang programa para matiyak na ligtas sa anumang mga sakit ng mga kababaihan tulad ng bukol sa matres, cyst sa matres at dibdib at iba pa.
Binigyang-diin ni Belmonte na ang proyektong ito ay patuloy na ipagkakaloob sa mga kababaihan sa lungsod para matiyak ang magandang kalusugan ng mga nabanggit.
- Latest