Ginang, itinumba
MANILA, Philippines - Masusing imbestigasyon ngayon ang isinasagawa ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) hinggil sa pagpatay sa isang 45-anyos na manikurista na binaril habang nakikipag-inuman sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot si Rizalina Terado, alyas Lina Sakang, may-asawa, ng MagÂsaysay corner Sampaloc Sts., Tondo sanhi ng tatlong tama ng bala sa ulo.
Inaalam naman ng puÂlisya ang pagkakakilanlan sa suspek na tumakas matapos ang pamamaril.
Sa report ni Det. Richard Escarlan ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-8:50 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng Magsaysay at Sampaloc Sts., Tondo, Manila.
Nakikipag-inuman ang biktima sa ilang kaibigan sa nasabing lugar nang dumaÂting ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ito na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.
Inaalam pa ng pulisya kung siya nga ang target ng pamamaril at kung ano ang motibo ng suspek.
- Latest